Health, Wellness and Fitness Thread, “usapang Halamang Gamot (bawang)” in Culture, Lifestyle, Relationship and Family; Sinasabing isa sa pinakahusay at popular na altirnatibong halamang gamot ay ang bawang, dahil sa taglay nitong gamot sa high ...
Sinasabing isa sa pinakahusay at popular na altirnatibong halamang gamot ay ang bawang, dahil sa taglay nitong gamot sa high blood pressure, rayuma, ubo, sipon, at sakit sa ngipin. Para sa may sakit sa puso at baradong ugat, kinakain ito ng sariwa. Puede rin itong ilagay sa saw-sawan tuwing kumakain at mapapansin ang pagdinghay nang ilang beses – patunay na nawawala ang pagbabara ng ugat o hangin sa loob ng katawan. Ang rayuma ubo at sip-on ay kasamang mawawala. Puwede rin isama sa dinidikdik na bawang sa pulot pukyutan at nguyain.
May allicin o antibacterial compound din na matatagpuan sa bawang kaya maraming buhay ang nasasagip nito sa impeksyon na dala ng pagkakasugat. Kinikilala ang bawang bilang nature’s antibiotic dahil sa mga naitalang pag-aaral kung saan ipinakikita ang abilidad nito sa pagpapababa ng kolesterol sa dugo. Ayon sa department of health, isa ang bawang sa sampung pangunahing halaman ng pinagmumulan ng gamot na nakakagaling sa iba’t-ibang karamdaman. Mga iba pang nagagawa ng bawang: mahusay sa puso; tumutulong sa pagpapababa ng high blood pressure ng bad cholesterol levels (LDL); lunas para sa arteriosclerosis; maaring makatulong sa paggamot ng ilang uri ng cancer; katulong ng immune system upang malabanan ang inpeksyon; may kemikal na pangontra sa oksidasyon at marami pang iba.