Quote:
Originally Posted by hydz
Anu-anong mga luma at matatalinhagang salita ang alam nyo na bihira na lang nating maririnig sa panahon ngayon?
Halimbawa, bihira na lang nating marinig ang mga katagang "Iniirog kita" at "Sinisinta kita" na ang ibig sabihin ay "Iniibig kita".
Share naman po kayo.
|
"Dapit Hapon"- means sundown o malapit ng gumabi
"bukang liwayway"-means maguumaga na.
" Kapit Patalim"- in dire need of something-matindi ang panga-ngailangan sa isang bagay.
"Nanibugho ang aking puso" -I'm jealous
"Balintataw" means old memories, gunita
"Maralita, Dukha"-means poor, laking mahirap
"Alibughang Anak" Prodigal, bagabondo o suwail na anak.
"Matimtimang Birhen"-means mga kababaihan ng unang panahon, simple, prayerfull, not easy to get.
"Magsingirog" -Magkasintahan noon. Mag-un (MU) sa ngayon.