Quote:
Originally Posted by hydz
Anu-anong mga luma at matatalinhagang salita ang alam nyo na bihira na lang nating maririnig sa panahon ngayon?
Halimbawa, bihira na lang nating marinig ang mga katagang "Iniirog kita" at "Sinisinta kita" na ang ibig sabihin ay "Iniibig kita".
Share naman po kayo.
|
Hello Ate Hydz!
Hmm sa aking palagay, isn't 'Matalinghaga' means using words figuratively?
Hindi ko alam kung tama ba, naguguluhan lang yata ako.. yung difference between mga lumang salitang filipino (like salumpuwit, 'ika nga ni kuya, atbp) at matalinghaga (from rootword talinghaga) na karaniwang nakikita sa mga tula at sanaysay like:
"takipsilim, mahinahong patak ng ulan,
sariwang luha ng kalangitan
kasabay ng hanging tila nagugulumihan
kung saan ang landas, hindi nito alam" (ahem, makata ang damuho! hahaha)
Sa tingin ko naman ay pwedeng maging matalinghaga ang isang ordinaryong salita kung ito ay gagamitin sa ibang pamamaraan upang magbunga ng naiiba sa literal nitong kahulugan:
1. kusang palo -- sariling sipag, initiative
2. di mahulugang-karayom -- maraming tao (overcrowded)
3. isulat sa tubig -- kalimutan
4. nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga
Ayan, sana ay maayos ang aking nais ipahiwatig wahaha..
Pis! =P