
06-10-2008, 03:19 AM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: May 2008
Posts: 116
Forum Photo Gallery:
0
Comments: 0
|
|
Daing
Tunay nga na halos lahat ng Pinoy pagtungtong sa bansang banyagang pinagsisilbihan naruon ang pagsunod sa alituntunin nito, tanung ko naman bakit nga kaya? Simple lang kasi sino nga ba ang gustong mapabalik agad sa bansang bat bat ng pighati at kahirapan -tanging mga nakakaangat at mayayaman lang ang may karapatang managana sa bansang sinilangan, sino ba sa atin ang gustong mapauwi at manatili sa kahirapang umaalipin sa mga simpleng mamamayan ng Pilipinas , WALA, hindi ito isang reklamo bagkus paghahambing ng ating gobyerno at sistema nito at sa gobyerno o pamahalaan ng ngayong pinagsisilbihang bansa.
Maaring nakakatulong din ang pangingibang bayan upang mamulat din tayo sa katotohanan nangyayari sa ating bansa, pero huwag din nating isisi lahat ng kapalpakan ng ating gobyerno sa kabuuan, tayo man ay kaparti sa kakulangan ng pag asang mabago pa ang takbo ng buhay ng mga Pilipino sa Pilipinas, bakit tayo naririto sa bansang banyaga, dahil na din sa kawalan ng pagasa na makaahon sa kahirapan ang isang kahig isang tukang mamamayan diba? kaya tuloy nasasambit natin ang reklamo o hinaing sa ating gobyerno kasama ang mga namamalakad nito, sadyang iba ang kanilang sistema ng pamamalakad ng kanilang bansa, bulag lang ang di nakakakita ng lahat ng uri ng anomalya na nangayayri sa atin, mapa sa pamilya man yan o sa gobyerno pa.Maging totoo lang tayo mga kabayan. Di lamang disiplina ang kailangan ng tao bagkus takot sa Dios ang kabuuang maguugnay para mapatino lahat ng namumuno kasama na ang mga mamamayan.
|