Welcome to Mabuhay City OFW Forum - the discussion board for Overseas Filipino Workers.
You are currently viewing our site as a guest which gives you limited access to most discussions and other features. To access full features please join our OFW Community today!
|
Pinoys Abroad Thread, balagtasan in Working or Living Abroad; Sa aking pagkabuklat sa bawat pahina
NgThread nitong Mabuhay
Ang puso ko at isipan ay tunay ngang nabighani
sa paguulat ...
 |
|

11-20-2008, 03:33 AM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: Sep 2008
Posts: 170
|
|
Pasali Naman sa inyong nakahiligan
Sa aking pagkabuklat sa bawat pahina
NgThread nitong Mabuhay
Ang puso ko at isipan ay tunay ngang nabighani
sa paguulat buhay ng bawa't OFW na nagbabahagi
Sa bawa't kwento ng ating mga kababayan
Matutunghayan natin kapwa lungkot at kagalakan.
Mga kwento ng tagumpay na dapat pamarisan
Meron din namang nasadlak sa kapariwaraan.
Kaya ang hamon ko sa bawa't mangagawang Pilipino
Magtulungan ang bawa't isa para tayo'y umasenso
Taas noo mong ipakita saan man sulok ng mundo
Tayo'y Pinoy hindi padadaig kahit kanino
Salamat po!!!
|

11-22-2008, 06:29 PM
|
|
Junior Member
|
|
Join Date: Oct 2008
Posts: 11
|
|
balagtasan
akoy natutuwa sa mga kababayan kong makata
kaya akoy d nagdalawang isip na gumawa ng katha
akoy isang ginang ,d2 sa japan hanggang ngayon ay namamanata
sa ating bansa na sanay maging mariwasa...
bagyong dumaan.kumitil ng buhay ng mga kababayan
puso koy namighati ,panalangin ay ibabahagi ,pagsubok ng kapalaran,
ating tandaan..laging paghandaan dahil yan ay dadaan.
panalangin mabisang paraan,pagtulong pa rin sa kapwa ang ating ilaan.
mga kababayan ko sa buong mundo,mag kaisa tayo sa panalangin na ito..
ama namin sa langit,sanay pakinggan nyo,kaming pinagpala nyo..nakikiusap po sa inyo
ibahagi po ninyo sa mga kababayan ko .magandang buhay..ipagpala sa naniniwala sa inyo
bawat pagsubok na harapin nila.naway malutasan ng walang buhay ng mawawala...amen
|

11-22-2008, 11:15 PM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: Sep 2008
Posts: 175
|
|
Talinghaga ng Buhay
Ngiting matamis sa labi'y nakaukit
Subalit sa kalooba'y ahenhong kaypait
Katotohanang kayhirap iwaglit
Ng mga kaluluwang nagpapakasayang pilit
Noon at ngayon,marami nang panahon
Mga taon at alaala lumisang pagayun-gayon
Katulad ng ulan o kaya nang ambon
Pilit mang iwaksi sa nakaraan pa rin tumatalunton
Sa bawat paghakbang sa kasalukuyan
Anino ng kahapon pa rin ang makapangyarihan
Magtago man at lumitaw ang araw sa maghapon
Ang mundoy, bumabalik pa rin sa dating orasyon
Ang dahong nakadikit sa punong mayabong
Bukas makalawa'y sa lupa'y nakabunton
Ang tilaok ng tandang sa bukang liwayway
Ligaya kaya o kasawian ang tinataglay?
|

11-23-2008, 10:10 AM
|
|
Junior Member
|
|
Join Date: Oct 2008
Posts: 11
|
|
mutya ng balagtasan...bb.klaudia..
ke bb.klaudia tunay na ako'y napahanga.
sa taglay nyang bait at talino.tunay syang pinagpala
sa mga kabataang tutulad sa kanya.lahat ay mahahalina
sa balagtasang ito sila'y makikisama.
akoy isang bulakenya,sa hagonoy nagmula,
sa bayan ni balagtas.doon ko namana..
ang maging makata.kahit tumanda na,
isang karangalan.. sa mabuhay city ako'y napasama
mga hinaing ,problema, lungkot sa buhay ay isantabi muna,
halina ating opinyon,ating ilabas na ,ibuhos natin ang talino,
sa balagtasan kuro kuro'y ating isiwalat na ,mga kabayan ko
tayoy magumpisa na......mabuhay tayong mga pinoy pinays..
salamat po....
|

11-25-2008, 12:09 AM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: Jul 2008
Posts: 120
|
|
Inay
Iniluwal ka ni Inay na siya’y naka-ngiwi
Bini-bendisyunan mo siya ng iyong ihi
Kapag ika’y ngumingiti, siya nama’y natatawa
Kung ika’y umiyak na, siya nama’y trumpong taranta
Hindi ka madapuang-lamok
Ang gumising sa’yuy may suntok
Sa karga niya ika’y nahihilig
Kung halikan ka niya’y sa leeg
Nakasalo siya kapag lumalakad ka na
Una siyang nabubuwal kapag ika’y natumba
Kapag tumakbo ka na’y meron siyang hagikhik
Kapag kayu’y namahinga, siya ang mas-pawis
Sa pag-aaral mo, pati siya’y natututo
Pilit niyang inaalam yaong ingles sa ‘yung libro
Kung dumapit-panahong mas marami ka ng alam
Tanggap niyang ika’y henyo at siya’y isang mang-mang
At kung ikaw ay may sakit, siya ay di-mapakali
Kung maari ay siya nalang yaung higa sa’yung banig
Kung kailangang ang bakuna ay dumapo sa ‘yung bisig
Mariin siyang naka-pikit dinadala ang ‘yung hapdi
Ngayung ika’y malaki na at merong ng wastung-isip
Nasusunod ang ‘yong gusto kahit na siya’y nagagalit
Minsang ikaw ay nagdamdam dahil sa pagkakamali
Hagulhol mo’y tinatakpan sa kanyang dibdib
Wala kang sumbat na nadinig…wala siyang sinambit
Ang tanging sabi lang sa ‘yo, sa isip mo’y di-mawaglit
Anak, naman… makinig ka… ‘pagkat ako ang ‘yung Ina…
|
| Thread Tools |
|
|
| Display Modes |
Linear Mode
|
Posting Rules
|
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts
HTML code is Off
|
|
|
All times are GMT +8. The time now is 10:43 PM.
|