Go Back   OFW Forum > Working or Living Abroad > Pinoys Abroad
Member Log In
Non-Member Registration
Register FAQ Members List Calendar Arcade Games Search Today's Posts Mark Forums Read


Welcome to Mabuhay City OFW Forum - the discussion board for Overseas Filipino Workers.

You are currently viewing our site as a guest which gives you limited access to most discussions and other features. To access full features please join our OFW Community today!
Pinoys Abroad Thread, balagtasan in Working or Living Abroad; Balagtasan Original by dazz @worldlooper 6/02/07 Isang karangalan sitio na aking pinasukan Tagpuan ng mga kapwa Pinoy na larangan Aking ...
Reply
 
LinkBack Thread Tools Display Modes
  #1  
Old 06-12-2008, 06:20 AM
Klaudia's Avatar
Senior Member
 

Join Date: Apr 2008
Posts: 4,045
Recipes: 1
Default balagtasan

Balagtasan
Original by dazz @worldlooper 6/02/07


Isang karangalan sitio na aking pinasukan
Tagpuan ng mga kapwa Pinoy na larangan
Aking nakikita, maraming paksang pinaguusapan
Akin ding idagdag ang isang paksang balagtasan
Ng muling mabuhay ang wikang ating pinagmulan.

Bagamat panahon pa ni Florante at Laura
Balagtasan na tinagurian ng mga makata
Muling bubuhayin ang wika ng mga Bulakena
Halina mga kababayan muli tayong magumpisa.

Sana merong makikipanayam sa pageensayo dito
Ng mahasa tayo ng husto sa wikang Pilpino
Mga kababayang kong pango huwag ng magtago
Ating ng umpisahan ang balagtasang nakakaenganyo.

Sadyang masarap pakinggan ang wikang kinagisnan
Lalo na pag mga kapanayam ay mga kaibigan
Sa bagong larangan na mukamo ang pangalan
Usapan sa wika na parang tunay na balagtasan.

May halo man na mga salitang banyaga
Ang inyong mga bibigkasin na mga kataga
Huwag dapat mabahala at walang problema
Maghalo man ang salitang banyaga sa ating wika
Huwag magatubli, walang problema, huwag mabahala.

Tayo'y magumpisa ng isang paksa,
Isulat lamang ang suhestiyon sa baba
Ating tunghayan at wala yan problema
Halina mga kaibigan tayo na'y magumpisa.
__________________
Klaudia Koronel
Founder, MabuhayCity
.com
Reply With Quote
  #2  
Old 06-12-2008, 06:09 PM
Pepito's Avatar
Senior Member
 

Join Date: May 2008
Posts: 215
Recipes: 2
Default O sige…susubukan ni Pepito…

Aking bibigyan ng pansin ang pagkain
Tawag dito ay ulam kasama ng kanin
Sangkap ay mga gulay at may karne ng baboy din
Kung wala, nabalatan na hipon ay puwede na rin

Ang pantimpla ay bagoong sa iloko o patis sa iba
May bawang, sibuyas at kamatis, sa iba ay may luya
Unang ilagak ang nagayat na karne bago ang iba
Ipirito ang mga ito hanggang lumabas ang mantika

Pagkatapos ay sundan ng napitipit na bawang at luya
Ilagay ang nagayat na sibuyas kapag ang bawang ay namula
Huwag kalimutan ang kamatis na may dalang asim na lasa
Ihalo na ang bagoong o patis para sa masarap na timpla

Dagdagan ng konting tubig para sabaw sa kanin
Ilagay ang kalabasa at sitaw pagkatapos pakuluin
Sundang ilagay ang talong, okra at muling pakuluin
Mga ilang saglit hindi oras, ito ay hintayin

O ayan may ulam na , pinakbet ang tawag nila
Ihanda na ang kanin para ma-umpisahan na
Sa mangkok na malaki, pinakbet ay ilagak na
Ngayon mga igan puwede na…KAINAN NA!!!
Reply With Quote
  #3  
Old 06-13-2008, 09:31 AM
Aggie's Avatar
Senior Member
 

Join Date: May 2008
Posts: 245
Default Hanga Ako!

Hanga at papuri

ang paukol ko

sa inyong dalawa,

Klaudia at Pepito!

Hanga ako.
Reply With Quote
  #4  
Old 06-14-2008, 01:34 AM
Klaudia's Avatar
Senior Member
 

Join Date: Apr 2008
Posts: 4,045
Recipes: 1
Default

Balagtasan ay nagsimula sa bayan ng Bulacan
Doon makikita at madidinig mga tunay na sagutan
Sa wika ang usapan ay nakakaaliw pakinggan
Kahit anong paksa dinadaan sa mga tulaan.

__________________
Klaudia Koronel
Founder, MabuhayCity
.com
Reply With Quote
  #5  
Old 06-14-2008, 01:28 PM
nesotos's Avatar
Senior Member
 
Join Date: Jun 2008
Posts: 4,502
Smile ako din sali...

aba at ano itong naumpisahan
balagtasan nga ba para sa bayan
ng ating pinuno na si binibining Klaudia
sinundan ni Ka Pepito ng lutong kay ligaya


tuloy naisip ko na tila dito nga
sa ating bansa mga negro ay nagsi-hanga
at dito nagmula ang mga unang rapper
tayo'y ginaya sila ngayon ay hip-hopper


kaya mga kabayan halina't sumali
sa munting timpalak na ito'y walang atubili
malay nyo at bukas ay meron nang premyo
sa inyo mapunta ang kampeonato


sundan lang and paksa ni Binibining Klaudia
gaya ni Ka Pepito kahit anu'y uubra...
wag lang magmura at manlait ng kapwa
ito'y tatangapin buong puso ng madla...
Reply With Quote
  #6  
Old 06-18-2008, 09:21 AM
lyka's Avatar
Senior Member
 

Join Date: Jun 2008
Posts: 611
Smile masubukan nga...

Kahanga-hanga ang ating founder na si Ms. Klaudia
Itong balagtasan nagsimula sa Bulacan pala
At sila Sir Pepito at Nesotos ay di rin nagpahuli
Kaya tuloy parang ako'y atubili..

Pero kahit ganyan ang inyong kagalingan
Ako'y hindi susuko sa sinasabing balagtasan
At ito nga aking susubukan
Upang kayo ay masabayan..
Reply With Quote
  #7  
Old 06-18-2008, 12:35 PM
nesotos's Avatar
Senior Member
 
Join Date: Jun 2008
Posts: 4,502
Default eto pa...

malayo ka man sa sariling bansa
aking ikinagagalak itong nagawa...
ng isang butihing binibini...
sa kanyang kagustuhang makapagsilbi


itinatag ang mabuhaycity...
mga kababaya'y dito nawili
nagalak ang marami
at unti-unti ito'y lumaki


sana nga'y dumating ang panahon
ng lahat tayo'y magtipon-tipon
nang personal at makapag-salusalo
problema lang pamasahe sa eroplano


ngunit wag mag-alala
bagkus ika'y matuwa
malay nyo meron ditong tumama sa lotto
lahat ng pangarap nati'y magkatutuo


(ang title ko: sepsep sa founder!)
Reply With Quote
  #8  
Old 06-18-2008, 04:06 PM
Pepito's Avatar
Senior Member
 

Join Date: May 2008
Posts: 215
Recipes: 2
Default

Ginoong Nesotos, tayo na naman ay nagkita
Oops Si Binibining Lyka siya rin ay napasama
Ang kaniyang magandang katha ay aking nabasa
Kanyang nasambit, tayo ay masabayan niya

Hindi ka huli o kami man ay na-uuna
Sabay ka lagi sa amin, Binibining Lyka
Sa harap o sa likod namin ikaw ay wala
Ngunit sa tabi namin ikaw ay nakikita
Reply With Quote
  #9  
Old 06-18-2008, 04:40 PM
oiram's Avatar
Senior Member
 

Join Date: May 2008
Posts: 2,244
Talking Ang Balagtasan "bow"

Pasensya na mga kaibigan at akoy mahina sa balagtasan
dahil sa sariling wika na aking kinagisnan, sa aking sarili man
ay nagulumihanan pagkat ako'y di marunong at hamak lamang.

Na sa inyo'y nakikipagkaibigan, pagkat hangarin' ko'y tulad rin
ninyo ang kaligayahan na siyang magpapawi sa aking kalungkutan.

Kaya mabuhaycity ang siyang aking mapaglilibangan,
Kahit ako'y nasa malayong bansa na nakikigpagsapalaran
Dahil hangad ko'y umunlad at maka-ahon sa kahirapan
Sa pag-uwi ay dala ko ang kaligayan.

PASENSYA NA PO!
Reply With Quote
  #10  
Old 06-18-2008, 07:01 PM
nesotos's Avatar
Senior Member
 
Join Date: Jun 2008
Posts: 4,502
Default pagbati at panawagan

aba si Ginoong Jose, nagparamdam muli...
at aking kaibigang Mar, salamat sa iyong pagtanaw
oo nga nagustuhan ko rin ang bigkas ni Binibing Lyka
sana si Binibining Klaudia muling magpakita...


ngunit meron lang akong napansin...
meron atang kulang dito sa atin
ang ama ng mabuhaycity,
tila wala pa ring nasasabi


kaya't ako'y nananawagan...
sa iyo Ginoong Chris ay masilayan
halina at dumalo dito sa amin
siguradong isang katerbang babae iyong dadalhin...


at dyan sa isa kong kaibigan...
Junior ang kanyang pangalan
tigilan mo muna iyong paglalaro...
sa arcade baka ika'y matuliro...
Reply With Quote
Reply


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off
Trackbacks are On
Pingbacks are On
Refbacks are On
Forum Jump


All times are GMT +8. The time now is 10:22 PM.


Powered by vBulletin® Version 3.6.8
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Search Engine Optimization by vBSEO 3.2.0