Share Your Experience Abroad...
|
|
|
|
|
|
Pinoys Abroad Thread, Share Your Experience Abroad... in Working or Living Abroad; Dito nyo po i-post ang mga experience nyo nung first time palang kayo sa bansang pinuntahan nyo, upang kapulutan ng ...
 |

01-15-2009, 04:27 PM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: Jan 2009
Posts: 6,073
Comments: 1
|
|
Share Your Experience Abroad...
Dito nyo po i-post ang mga experience nyo nung first time palang kayo sa bansang pinuntahan nyo, upang kapulutan ng aral or tip para sa ating mga kababayan na magnanais makipagsapalaran din sa abroad.
Maraming salamat po...
Mabuhay ang MabuhayCity.com!
Mabuhay ang Bansang Pilipnas!
Mabuhay ang Pilipino!
From Saudi with Love,
nadz
|

01-15-2009, 04:48 PM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: Jan 2009
Posts: 6,073
Comments: 1
|
|
Laking adjusment talaga ang gagawin mo pagnasa ibang bansa ka. Katulad ko 1st time ko sa saudi. Unang linggo ko sa office wala akong makainan na filipino carenderia kaya sumasama nalang ako sa office mate ko na Indiano. Grabe di ko halos malunok ang pagkain nila dahil nakakasuka ang lasa matabang na maanghang na ewan. Hanggang sa nakasanayan ko na no choice e. After a weeks napansin ko na nagiging amoy indiano na ako sa anghang ng pagkain.
D2 nko nagpatubo ng balbas at bigote kc agaw pansin kapag malinis ang mukha mo. Kukursunadahin ka ng arabo or pakistani. Kaya ngayon mukha na akong Indonesi. Hahaha!
Meron pa, naglalakad ako papunta s tindahan na malapit sa tinitirhan ko. Mainit ang panahon nun. Naka boxing short lang akong lumabas. Yari ako sa Motawa (High Priest ng d2 sa saudi) sinita ako buti nalang hindi ako nakulong.
Dami pala bawal d2 sa Saudi. Pero dapat sumunod sa Kultura nila para di ka mapahamak.
Marami pa pero kayo nmn ha....
|

01-19-2009, 02:20 PM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: Jul 2008
Posts: 763
Comments: 7
|
|
Hsiang Kang
Free port sa Hongkong as in kapag nag tour ka duon sa HK immigration palang lagyan ng tourist-visa stamp ang passport mo.
Need lang na tourist talaga ang hitsura nyo at pakay or else ay hahanapan pa kau ng show money to prove na tourist nga kau.
Nag try ako duon ng job na part-time at sabi ay kapag daw nagustuhan ng employer ay ma sponsoran ka for work visa. Marami ren na recruitment agency duon na mga Pinoy staff at madali ka lang maihanap ng sideline pero halos imposible na may mag sponsor sayu.
Kasi sa dami ng gusto mag sideline ay hindi na need ng HK employer na kumuha pa ng regular na empleyado. Lalu pa ngayun na naglipana na duon ang mga chinese na nagsisitawid sa border ng China pasok sa HK.
Hindi tatagal duon ang Pinoy TNT dahil sa ubod ng higpit ang patrol, maliit na geographical area lang ang teritoryo at computerized-network ang lahat ng agencies.
Mabuti pang i-secure na muna ang work visa at employment bago pumunta duon or mas mabuti na tourist talaga kau para mamili, leisure at visit which means na nandun lang kau para mag enjoy.
DOJE PANGYAW!!!
Last edited by regay : 01-26-2009 at 12:09 PM.
Reason: spell check
|

01-26-2009, 07:40 AM
|
 |
Junior Member
|
|
Join Date: Jan 2009
Posts: 3
Forum Photo Gallery:
0
Comments: 0
|
|
manitoba, canada
halos lahat ng first time ko nangyari sa bansang ito. kagaya ng pag labas ng pinas (excited), pagsakay ng eroplano (sakit sa tenga), pagdadrive ng sasakyan ( kailangan kasi dahil walang puj/puv maliban kung nasa city ka nakatira at nagtatrabaho tapos yung pagkuha ng lesensya by the law talaga kahit yung matagal na nagdrive dyan sa atin e ilang beses din umulit sa road test bago naipasa. tips sa pupunta dito "huwag kukuha pala ng international drivers licence sa atin dahil aksaya lang sa pera at panahon mo iyon dahil tama na ang prof licence sa atin dito for three months so by that time naipasa mo na ang road test dito at may lesensya kana), makakita ng araw simula ala siengko ng umaga hanggang alas dyes na ng gabi (hirap matulog), mawala yung araw alas kwatro ng hapon hanggang alas otso ng umaga (sarap matulog), subrang lamig (minus 35 degree celcius, grabe pa pag malakas ang hangin, tips "kailangan maglagay ng maraming lotion sa buong katawan pagkatapos maligo dahil pag hindi magdadry yung skin mo tapos subrang kati pa), at makakita ng snow (kaygandang tingnan pahirap sa daanan).
dito muna ako para kayo nanaman............
|

10-15-2009, 06:45 PM
|
|
Senior Member
|
|
Join Date: Oct 2009
Posts: 691
Forum Photo Gallery:
0
Comments: 0
|
|
Re: manitoba, canada
anong gusto nyo yung sad o yung masaya?sya ihalo-halo na:
hay pag nasa labas ka ng pilipinas hindi maiwasang hanap-hanapin mo ang iyong mga nakasanayan.dito ang lahat dimo mabasa at dimo maintindihan ksi lahat ng nakasulat pro characters na halos magkakatulad.ang hirap ng salita nila tonal kya pag mali bigkas mo iiba din ang kahulugan dina kayo mgkaintindihan.sobrang anghang ng mga pagkain dito halos 50% yta ng ingredients nila e pro sili.pagnakakain ka ng sobrang anghang ang sarap maghanap ng away  ksi sobrang nakakainis!sa bus pag dika maintindihan ng kundoktor khit me pera ka pababain ka nya,pag umorder ka ng food sa tindahan at eenglish-english ka tatalikuran ka ng tindera waaaaaa.kaya ako nung bago ako rito pinag-aralan kung salitain yung isang sikat na thai food dito yung tawag "khao phat" prang fried rice satin.yun namaster kong salitain kya yun at yun ang inoorder ko umaga,tanghali at hapunan sa loob ng isang buwan.naranasan ko ring maging parang pipi  .syempre dika marunong ng salita di pro actions ka nlang at turo turo ng mga gusto mong kainin o kaya bibilhin.nakakalito din ang pagsakay sa bus ksi kabilaan ang daan ang hirap.kung baguhan ka dimo alam kung aling side ka sasakay dapat o kung need mo pa ba tumawid sa kabila.wala ka ring mapagtanungan kasi nga di sila nakakaintindi ng english,minsan mgtatawanan pa pgnarinig iba ang salita mo.
buti nalang yung first job ko sa international school kaya di me masyadong nahirapan,pero nung nglipat ako sa thai school waaahhhh.abay pra akong baliw na ngsasalitang mg-isa dahil alang nakakaintindi sakin.pg me sinabi ka nakatingin lang ang lahat sayo at ginagaya lahat ng actions mo ano ba yan!nglipat ulit ako ng workplace ngturo ako ng college waaahhhh ganun din.level nila kinder satin.di marunong magsulat ng names nila sa english college na!sakit sa ulo pero nakasanayan ko na rin.pero ngayon na marunong na ako ng salita nila at nakakabasa narin ng konti kya kahit pano e naging madali sakin ang trabaho ko 
madami pa sana yan kya lang syempre give ko rin kayo ng chance.
SAWATDEE KHA 
|

10-20-2009, 10:53 AM
|
 |
Junior Member
|
|
Join Date: Feb 2009
Posts: 22
Forum Photo Gallery:
0
Comments: 1
|
|
Re: Share Your Experience Abroad...
uhrmmm... experience ko sa abroad... HAYYY.......... masaya na malungkot..  una adventure coz punta aq dito brunei as tourist..nxt. pagala gala.. taz ung tinutuluyan kong kaibigan na tyempuhan na naispatan ng mga immigration at polis ayun na nasangkot tuloy aq.. ang gaga kong friend hindi aq tinulungan pagkatapos nyang kunin lahat ng pera ko.. at for ur info pinay din ang friend ko na un.. kya nadismaya ako.. buti na lang may mga plipinong tumulong din sa akin dito, at nag patunay na hindi aq prosti.. OMG.. npagkamalan ba namn aq.. Hayyy... pero lumaban aq, at buti na lang marunong aq sumagot sa mga nagttanong skin..ayun naabswelto, but bnigyan nila aq ng back to the philippines na chap.. MY GOD.. dami ko kaya utang sa pinas na dapat ko pa byaran... so.. tyming din nman mrun isang Chinese fam na nghhanap katulong i grab the opportunity bhala na sbi ko kysa nman ma uwi aq ng wala di ba..naku ang baba ang sahod.. but no choice i have to take it, so ayun ang first time ko dito sa brunei.. ngaun mdyo nkapgadjust na at thanks God nkaya ko lahat... im going on 5 years kahit mababa ang pasahod dito... Hay... hope ang government natin gmawa namn ng paraan para tumaas ang passahod dito sa Brunei.
|

03-07-2010, 09:50 PM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: Feb 2010
Posts: 236
Forum Photo Gallery:
0
Comments: 0
|
|
Re: Share Your Experience Abroad...
hello po,makisali din po ako ha...ok lang ba?toink!
Ako,first time kong mag abroad dahil sa mga pangyayari na di inaasahan(secret!!!),kaya todo dasal ako nun,baka anu ang life ko dito sa Hongkong,kasi sa mga narinig ko sa mga nag-abroad na,mahirap daw mag work sa abroad lalo na sa Hongkong kasi daw mostly sa chinese mga pangit ang ugali,kaya sabi ko...Oh my God help me,ikaw na bahala sa akin...
At nung dito na ako sa Hongkong,swerte ko talaga kasi nga ang bait ng naging employer ko,di ko maisip na may chinese pa lang ganun,napakabait,la ako masabi. at grabe din ang adjustment na ginawa ko. At walang kamatayang "HOMESICK".
Buti na lang may site na ganito,dito sa MABUHAYCITY.
Hahaha,basta ang alam ko kahit di ka marunong masyado ng english basta nasabi mo ng klaro,kahit wrong grammar ka,ok lang. Ang ipinagtataka ko lang kasi sa pinas kapag nag salita ka ng english kapag wrong grammar eh pwede naman intindihin na lang, naku, napakasama ng dating,pag tatawanan ka talaga...bakit kaya ganun?
Ang alam ko din kung marunong ka lang sa mga simple phrases gaya ng... hi, hello, thank you, i'm fine, i'm full,good morning, good afternoon at good evening, byebye...carry na un... at kung di mag kaintindihan idaan na lang sa aksyon...
At ito pa ha,nahiya talaga ako nun kasi nagkamali ako ng sakay ng KCR, KCR nila may sosyal na car sa train at may hindi,ako naman kasi nagmamadali nun,eh,di ko ginamit ang octopus card ko,ginawa ko bumili lang ako ng single ride na ticket(hindi pang susi na ticket),hahaha,pag pasok ko sa train mali ang napasokan ko,pang susi pala yon,eh di na ko makalabas kasi biglang nag close,natyempohan ako ng mga inspector,hayzzzzz todo kaba at nanginginig ako nun,kasi pwede ka ipa police kasi offense ko yon,alam nyo ba na dinala ako sa head office ng KCR at sangkatotak ang ginawa kong paliwanag,buti na lang marunong sila magsalita ng english at mabait ang humuli sa akin, hahaha,may pinirmahan akong letter, na wag na gawin uli kasi mag multa na,eh computerized pa naman lahat dito,hayzzzz ang laki nga multa ha,sayang yon... kaya dun nakahinga ako ng maluwag...
Madami pa sana ako sabihin kaso parang mahaba na to,toink.
Kayo naman jan?
|

04-30-2010, 03:10 AM
|
|
Junior Member
|
|
Join Date: Apr 2010
Posts: 4
Forum Photo Gallery:
0
Comments: 0
|
|
Re: Share Your Experience Abroad...
Bagong-bago pa lang ako sa Canada. Wala pang four months. Pagdating na pagdating ko, sumali ako sa mga immigrant service organizations. Nag join ako ng isang one-week seminar on how to find work in Canada. In one week, nakakuha ako ng trabaho sa awa ng Diyos..
Sa condo kung saan ako nakatira ng mister ko, may swimming pool. One time, nagswimming kami, sabay jacuzzi. Merong tatlong switch doon sa may jacuzzi. Isang "on" isang "off" at isang "emergency." Yung off at emergency pareho lang kulay red. Gusto kong i-off yung heat sa jacuzzi. Napindot ko yung emergency. Dumating yung mga pulis at firetruck! What an experience!
Masaya naman dito sa Canada...pero siempre, sometimes, you can't help but miss home. Tumatawag ako sa amin everyday. I found a way to call my parents unlimited using telepinas ( TelePinas : unlimited calling to the philippines, cheapest unlimited calls to the philippines, cheap overseas calls philippines, VOIP calls to the Philippines) Buti nalang meron ito. ang mura mura at super reliable pa.
Ewan ko sa inyo, pero super na mimiss ko ang inasal. Never pa aiko nakatagpo ng inasal dito sa Toronto.
|

05-04-2010, 09:46 PM
|
 |
Senior Member
|
|
Join Date: Jun 2009
Posts: 918
Forum Photo Gallery:
0
Comments: 0
|
|
Re: Share Your Experience Abroad...
ako hindi ko makaklimutan sa mga byahe byahe nun,ung first time ko mag visit sa boundary ng china at mongolia,medyo napahiwalay lang ng ilang metro sa mga friends ko may nakita kasi akong cable car na mahabang mahaba ang tinatahak nun napamangha ako, palibhasa snow nun naghanap ako ng masisilungan, may nakita akong isang parang bahay na para lang syang guard house,inakyat ko ung hagdan hindi ko alam na likuan pala un ng cable car papasok sa mongolia, narating ko ung pang 4 na hakbang ng hagdan biglang may nakita akong isang cable car na babangga sa akin di ko kasi nakita ,kasi nga bukod sa paliko sya at malayo distansya bawat cable car at foggy, napatalon ako at napakapit sa isang bakal,di ko napansin na nakasakay na pla ako isang side ng cable car na papasok ng mongolia,plan ko sana tumalon,kaya lang huli na pataas na ung cable car at baka bumaon ako sa mga snow at di ko alam ang babagsakan ko, nagpatuloy na lang ako,ang kinakatakot ko,baka mahuli ako kasi wala akong visa papasok ng mongolia at di ko alam san ba ang babaan,isa pang problem ko sobrang lamig.naisip ko sa tagal ng biniyahe ko baka frost na ako,kasi sa matataas na bundok at mga puno na natatabunan ng snow dumadaan ung cable car,halos wala ka ng makita kundi puti,buti na lang after mga 15 mins. may nadaanan ung cable car na sinakyan ko na isang poste na may hagdang bakal sa gilid kasi ung iba walang hagdan at tumalon ako at kumapit dun pagbaba ko, hinuli ako ng nag ooperate dun sa area na un, at napansin ko malayo layo rin ung natahak ko mahirap pabalik,at sinakay ako ng cable car kasama sya pa ibang byahe, di kami magkaintindihan,kaya sa office nila kami nag-usap. wala pa naman marunong mag english dun, buti na lang at dala ko ung binigay sa akin na number ng friend kong chinese na babae na nakakpagsalita ng english. sila na lang nag-usap after ko mag explain sa chinese friend ko after nun hinatid ako ng parang jetski pabalik ng china border napakabilis ng jetski sa snow, rumarampa pa nga kung saan saan nakakatakot. kung tutuusin daw pwede daw ako makulong nun. swerte pa rin kung tutuusin.
|

06-20-2010, 09:29 PM
|
 |
Junior Member
|
|
Join Date: Jun 2010
Posts: 1
Forum Photo Gallery:
0
Comments: 0
|
|
ang aking panag-inip
Sa maniwala kayo sa hindi binalak ko lumabas nang bansa para makita ko kung papaano ang buhay ofw and its they have said all those i want to share hehe joke! no really its true, how tough it is, by the way unang labas ko napunta ako sa saudi, its not that quite well known but i tell you its nice and a lot of experiences i had encountered some good and some not that bad all is according to his will. i just say myself i love my work, working abroad is fun, and you be more productive and enhance your skills, 2nd abroad is here in singapore well as i said i love my work. we all aim to have a better living we dont aim for much on wealth but health instead, keyword here is LOVE.
thank you and hope to see you everywhere! go out and find yourself too! GOD Bless Us All
|
| Thread Tools |
|
|
| Display Modes |
Linear Mode
|
Posting Rules
|
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts
HTML code is Off
|
|
|
All times are GMT +8. The time now is 07:27 AM.
|
|
|