Go Back   Overseas Filipino Worker Forum > Working or Living Abroad > Pinoys Abroad
Member Log In
Non-Member Registration
FAQ Members List Calendar Forum Photo Gallery Arcade Games Search Today's Posts Mark Forums Read

Buhay OFW

  
Pinoys Abroad Thread, Buhay OFW in Working or Living Abroad; BUHAY OFW > Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay > ...
Reply
 
LinkBack Thread Tools Display Modes
  #1  
Old 04-16-2009, 07:00 PM
Junior Member
 

Join Date: Jan 2009
Posts: 7
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Default Buhay OFW

BUHAY OFW

> Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay
> mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per
> month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki
> ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!). Malaki ang
> pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang
> kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas,
> 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng
> pamilya. Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo,
> masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang
> tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang
> tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na
> magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may
> baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
> naghihintay sa probinsya.
> Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot
> of kin. Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at
> sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh
> may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa
> mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination
> to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
> kawawa naman pamilya 'pag umuwi. Besides, wala ka naman talagang maasahang
> trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas,
> ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may
> sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit
> ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka
> na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?". Hindi bato ang OFW -
> Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot
> (madalas),
> nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man
> physically, emotionally o spiritually man lang. Tumatanda rin ang OFW - Sa
> mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have
> signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis.
> Yet, they continue to work thinking about the family they left behind.
> Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit
> anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang
> sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit.
> Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!" Bayani
> ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa
> maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion.
> Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o
> Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng
> OFW para lang mabuhay. Mas
> maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo
> na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga
> ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan
> ng sweldo. Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o
> cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo
> pero walang makitang tangible solutions or consequences. Malas ng OFW,
> swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o
> interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang
> OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating,
> swerte ‘pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng
> kamag-anak. Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga
> politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila
> naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng
> paksiw
> para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than
> favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang
> swerte nila. Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo
> o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology,
> negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi
> pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may
> tsansa pa ba? Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw.
> Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain
> ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap
> manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam
> kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin
> kapag Pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin
> ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin
> ang tunog ng "mahal kita!",
> "day, ginahigugma tika." “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin
> ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga. Sige lang,
> tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.
>
>
>
> Hope we survive all this trials that we experience right now.
>
> Good Morning!!! Have a nice weekdays everyone.
Reply With Quote
Alt Today
MabuhayCity
OFW Community
 
Join Date: May 2009
Posts: 272,410
Registered Members: 61,303
Forum Photo Gallery: 3,193
Comments: 1,013

  #2  
Old 05-01-2009, 02:28 AM
scorpio1970's Avatar
Junior Member
 

Join Date: Jul 2008
Posts: 15
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Default Buhay Ofw

Brod,

Bilib ako sa mga naisulat mo dito sa iyong thread. Nararamdaman ko sa bawat salita at sa bawat letrang binitawan ay tagos sa puso ko. Siguro lahat ng mga katulad natin ay ganito ang nararamdaman sa kanilang mga sarili. Amen sa lahat ng mga ito! kaya ang panalangin ko na lang sa mga kagaya natin ay pagtuunan natin ng pansin ang "GOALS" ng ating pagpunta sa ibang bansa (FOR OFW). Kasi hindi natin maikakaila na nung una tayong umalis ng PILIPINAS, "2 taon na kontrata, mag-iipon ako at pagkatapos nito ay uuwi na ako"! Kadalasan naman ay ganito ang unang kontrata, pero paglipas ng 2 taon..2 taon ulit..at ulit..at ulit..hanggang di natin namamalayan...umabot na pala tayo ng 25-30 taon andito pa din tayo sa abroad. Kasi nakalimutan natin ang "goals o priorities" natin ng pagpunta at pagta-trabaho sa ibang bansa. Di ko na kailangang elaborate pa ng husto..kasi sa sarili natin ay alam naman natin kung ano ang dapat,e..Sana lang kaibigan, di ka isa sa mga nabanggit mo dito sa iyong thread...sana ay di ka pa panot at kalbo...."dagdag ko lang.."gurang, nirarayuma at may alta-presyon". Huwag lang din pabayaan ang sarili at kumain, matulog at magpahinga ng maayos para sarili ay mapangalagaan...."HIRAP, Kaibigan...ay lilipas din.." Basta lagi lang sana nating isipin na ang trabaho sa abroad bilang OFW ay pansamantala lamang. Maikli lang ang buhay kaya dapat i-plano natin ng maayos ang trabaho natin sa abroad para makapiling natin ang ating iniwan na mga mahal sa buhay na may lakas pa tayo. Mabuhay tayong mga OFW!!!Kaya "TAWA LANG TAYO....AT SA ANO MANG PROBLEMA...TAWA PA DIN!!!"

Reply With Quote
  #3  
Old 05-01-2009, 03:20 PM
Junior Member
 

Join Date: Jan 2009
Posts: 7
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Default Salamat

Maraming salamat kaibigan at kahit papaano ay nabigyan mo ng pansin ang aking inilathala dito hinggil sa mga bagay bagay at buhay buhay natin dito sa ibang bansa, na masasabi kong makatutuhanan lamang.

Maraming salamat sa iyo at sana ay mapansin din ng iba pa nating kababayan ang mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay bilang isang OFW.

Masasabi na maswerte pa rin tayo at mayroon pa rin tayong inaasahan na isusuporta natin sa ating mga mahal sa buhay na iniwan natin na nalulungkot sa pinas, at sa bawat pera na padala natin kundi man sapat sa pang araw araw na pangangailangan ay nakakatulong naman para kahit konting ginhawa o kahit isang saglit lang ay ating naipadarama sa kanila.

Ikaw kaibigan ay isa sa katulad ko na naghahanap ng ginhawang mabigyan ang ating mahal na pamilya. Sana maibahagi mo ang ating karanasan sa ating mga kababayan bilang isang OFW.

Hintayin mo na lang ulit ang Part 2 ng aking salaysay "BUHAY OFW"

Mabuhay ka kaibigan at pagpalain ka ng Poong Maykapal.

Salamat muli. Ingat lang tayo parati.

Alalahanin mo lang lagi....may pamilya tayong umaasa at naghihintay, at lagi mong tatandaan......saan ka man naroroon....bear in mind this phrase.....

" HINDI LAHAT NG KASAMA AY KAIBIGAN, AT HINDI LAHAT NG KAIBIGAN AY KASAMA..."


GOD BLESS YOU
Reply With Quote
  #4  
Old 05-02-2009, 02:02 AM
scorpio1970's Avatar
Junior Member
 

Join Date: Jul 2008
Posts: 15
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Default Buhay Ofw

Salamat sa iyo kaibigan. Di lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maipahayag ang damadamin ng bawat isa. Sana sa iyong likha na ito ay makarating sa iba pa nating kababayan at ng sila ay makapagbigay din ng kanilang mga saloobin sa usapin na ito.

Sa nauna mong likha, malaki man o maliit ang naiiambag natin sa pangangailangan ng ating pamilya, ang mahalaga ay ang responsibilidad na iniiwan natin sa ating mga mahal sa buhay sa pag-iingat ng ating pinaghirapan. Bawat sentimo ng ating kita ay hirap ng kalooban ang puhunan kaya marapat din na magamit ito ng tama.

Naway mabigyan ng pansin ang ating usapan na ito at sila ay makibahagi din ng kanilang mga saloobin. Alam ko din na marami din sa ating mga kababayan ang di din nabigyan ng magandang kapalaran dito sa abroad. At napakarami na din sa atin ang naligaw ng landas at nakalimutan ang obligasyong iniwan sa Pilipinas. Kaya marapat lang na maibahagi mo din ito sa kanila.

" HINDI LAHAT NG KASAMA AY KAIBIGAN, AT HINDI LAHAT NG KAIBIGAN AY KASAMA..." ang sinabi mong ito ay sobrang totoo...masakit man sabihin ang katotohanan na kapwa pa natin ang madalas ay nagpapahamak sa atin. Sana ay humaba pa ang usaping ito at mabigyan ng pansin ng iba nating kababayan.

Salamat muli, kaibigan...GOD BLESS!
Reply With Quote
  #5  
Old 08-10-2009, 12:52 PM
Junior Member
 

Join Date: Jul 2009
Posts: 21
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Smile Re: Buhay OFW

Igan! tagos na tagos sa puso ko ang nilalaman ng pahayag mo, tutoong mga nangyayari sa ating mga OFW na sanay maliwanagan ang ating mga kasama sa layunin natin, mahirap mawalay sa mga mahal natin sa buhay na dahilan kung bakit ninais nating mangibang bansa. Sana nga d tau abutin ng pagkapanot o pagkalbo para maiipon ang ating mga hinahangad para sa pamilya. Hayaan mo igan, tutulungan kitang ibahagi ang iyong mensahe para sa mga kasama nating OFW dito sa Malaysia, Godbless!
Reply With Quote
  #6  
Old 08-10-2009, 05:35 PM
Junior Member
 

Join Date: Aug 2009
Posts: 24
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Default Re: Buhay OFW

tama ka dyan egan.....such an inspiring message.....usually ganyan naman talaga mentality ng mga naiwannatin sa pinas,kala nila kumikita lang tayo dito ng kumikita at di na gumagastos....ang dyos di naman nagbibigay ng sobra sa ating pangangailangan....tamang tama lang sa atin.....kung malaki gastusan mo bibigyan ka din ng trabahong sapat sa iyong pangangailangan.....ako almost 10 yrs nadin dito sa kuwait,dito na nga ako naka punda ng pamilya ko,mahirap din at magastos kung tutuusin,pero kailangannating harapin ang lahat......nung tayo ay pa tambay-tambay sa atin at walang trabaho halos wala kang kamag anak at kaibigan......ngayong nag abroad ka pag umuwi ka halos taong di nakakakilala sau,kilala ka na at naging kamag anak ka pa.....pero kung kaya nating magbigay sa mga nangangailangan bigay na lang tau kung ano ang kaya natin at kayang dalhin ng puso natin ayon sa ating pagbibigay.......mahirap nga naman talaga maging OFW,mahirap kumita isip ng mga iba sa atin naghuhukay lang tayo ng pera,ang di nila alam halos dugo na lang tumagas sa atin kumita lang tayo......oo mahirap isakripisyo ang mawalay sa pamilya para kumita...dami rin nasisirang pamilya dahil sa paghihiwalay as evident dito sa lugar namin kung saan ang iba makikiapid sa ibang may asawa para lang makalibre ng tirahan o di kaya kahit pang load lamang......mahirap ang dinadanas ng iba dito,kaya minsan pag naiisip natin at nalulungkot tayo dahil minsan mababa sahod natin pero pag binuksannatin ang ating mga mata,mas marami pa pala ang sobra ang dinadanas kesa sa atin.......naisip ko minsan na maswerte paako at dito ako nakapagsimula ng pamilya ko,bagamat masyadongmagastos dahil ang pag aaral ng bata dito sa elementary ay halos college ang katumbas sa atin....pero mahirap din ilayo ang pamilyang sanay kang kasama sila.....kaya ang kita dito,para sa akin dito din ginagastos....kaya mahirap din maka pag ipon......sa totoo lang dahil sa hirap ng buhay sa atin,iba iba din ang concepto ng bawat isa sa atin....mas mamarapatin din naming cguro hanggat may trabaho at may pagkakataong kumita dito na lang muna kami at least sama sama kahit walang pera pero masaya.....lalo na at naninilbihan ka sa gawain ng dyos,ay mas naiisip naming andito na ang buhay namin,but as long as nasa dyos tayo,we dont have to worry about our future alam nya kung kelan at paano tayo pagyamanin sa pagdating ng tama at takdang panahon....sa ganitong sitwasyon wala tayong magiging ibang kakampi lalo nat dayo tayo sa ibang lugar.....god bless sa lahat
Reply With Quote
  #7  
Old 09-16-2009, 12:07 AM
zhao fei's Avatar
Senior Member
 

Join Date: Jun 2009
Posts: 923
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Recipes: 1
Talking Re: Buhay OFW

tol nollynoriega tol matindi ung mga words mo,akala ko rap song,pro malupit ang mga nilalaman,parang naalala ko tuloy ung mga unang abroad ko,ganun ung mga meaning pro di pa ako nakakalbo kahit pro radiation hawak ko,ang point ko,hirap maging OFW lahat tiis pati minsan sa mga kasamahan mo di mo alam kung sino pagkakatiwalaan mo,tama nga ung bilin sa akin bago ako umalis nun first time lumipad na pipiliin ko pa rin ang kakaibiganin ko, kasi may mga tao sa paligid mo na pwede kang ibagsak pag naungusan mo sila,or di mo napagbigyan(crab mentality),nangyari sa akin yan,napaaway pa ako,pro tiis lang,pro diko lam bakit may ganung mga tao at kababayan mo pa,dati akala ko pag ofw ka bayani ka dahil nagpapdala ka ng pera, iba ang bayani pala ang ineexcpect ko, lahat tiis sa klase ng trabaho,adjust sa mga pride ng kaibigan and sa mga kasamahan na iba utak talangka at higit sa lahat longdistance relationship sa pamilya.meron pa nga akala mo kung sino na kung umasta sa ibang bansa, pag kinausap mo ine english kapa. pweeehhh.....
Reply With Quote
  #8  
Old 09-24-2009, 12:09 PM
Junior Member
 

Join Date: Sep 2009
Posts: 13
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Default Re: Buhay OFW

hindi ako OFW, ang tatay ko oo. kinder pa lang ako seaman na siya eh. hanggang ngayon na usang taon ko sa pagtatrabaho, hindi pa rin siya humihinto. dahil lang sa inyo naisip ko yung mga pagtitiis at pagtitipid na ginagawa ng mga OFWs para lang may maipangtustos sa mga pangangailangan ng mga naiwan nilang mahal sa buhay. matanong ko lang, kung ganito ang klase ng buhay na mayroon kayo, paano na lang ang ginagawa niyo para maglibang? alam naman natin kasi na malungkot ang buhay diyan. kailangan ng subject to divert one's attention.
Reply With Quote
  #9  
Old 09-24-2009, 12:29 PM
Junior Member
 

Join Date: Sep 2009
Posts: 1
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Default Re: Buhay OFW

hindi man lang ba kayo nagaaliw aliw? dapat siguro. kase lahat ng tao kelangan din mag unwind ever so often. find buddies in the person of ofws na kasama niyo. sino pa ba ang mag stick together. nagsasaya din naman ang mga naiwan sa pinas every now and then.. bakit titikisin ang sarili.. mahirap na nga pahihirapan pa lalo ang sarili.. alam naman natin ang priorities natin at nde naman kasalanan na libangin ang sarili paminsan minsan. mas perwisyo pag nadisgrasha tayo.
Reply With Quote
  #10  
Old 09-24-2009, 02:39 PM
Junior Member
 

Join Date: Aug 2009
Posts: 24
Forum Photo Gallery: 0
Comments: 0
Default Re: Buhay OFW

Quote:
Originally Posted by Zharmae View Post
hindi man lang ba kayo nagaaliw aliw? dapat siguro. kase lahat ng tao kelangan din mag unwind ever so often. find buddies in the person of ofws na kasama niyo. sino pa ba ang mag stick together. nagsasaya din naman ang mga naiwan sa pinas every now and then.. bakit titikisin ang sarili.. mahirap na nga pahihirapan pa lalo ang sarili.. alam naman natin ang priorities natin at nde naman kasalanan na libangin ang sarili paminsan minsan. mas perwisyo pag nadisgrasha tayo.
hi sa iyo Zharmae and sayo din mdsenolos......kung pag aaliw madami na din mga bagay na pedi gawin para mawala ang pagod at pressures tsaka ang lungkot bilang isang ofw,weekend namin minsan nauubos sa fishing and crabbing,sports,filipino communities and etc...........first and foremost thing is be involve sa gawain sa church lam natin na ang dyos ang ating sandigan sa lahat ng bagay,sya ang ating provider and comforter........may mga filipino communities naman na pedi bigyan ng pansin at least nakakatulong at mga filipino sports associations.....kaya lang ang mga yan nasa tao naman how he should deal with this things........but as for me sumusubra na nga yung activities at hobbies ko sa buhay......as an elder sa church yan ang number 1 priority namin ng family ko as my wife also is a sunday school teacher......dati din kasi akong active sa basketball leagues as a coach then naging president din ako ng filipino chess association at naging officer din ako sa isang filipino community (ilonggo) pero nung tumagal na eh dun ko nakita na mas mahalaga saakin at sa family ko ang mag serve sa dyos........god will put everything into places as long as we remain in him.......just like sa passage ng romans 8:28...
Reply With Quote
OFW Community
Reply



Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off
Trackbacks are On
Pingbacks are On
Refbacks are On

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
haay buhay... Arviz Just For Laugh 1 08-07-2009 02:56 PM
Ang Buhay Sa Dubai rh Pinoys Abroad 0 03-04-2009 02:03 PM
Ang buhay.... djcock69 Pinoys in Japan 0 02-09-2009 02:28 AM
Buhay Abroad..... ameenah Introduction Forum 14 01-15-2009 03:45 PM
Buhay America Klaudia Pinoys Abroad 0 10-22-2008 03:40 PM


All times are GMT +8. The time now is 11:30 AM.


Forum Tools
OFW Resources
OFW eCards
Profile Photo Rate

klaudiacarehome.com - Adult Assisted Living in Airzona
bahaytalaan.ph - 

Philippines Home Listings
bahaytalaan.ph - 

Philippines Home Listings

Powered by vBulletin® Version 3.6.8
Copyright ©2000 - 2014, Jelsoft Enterprises Ltd.
Search Engine Optimization by vBSEO 3.6.0 PL2
   

Custom Search