Read This If You Want To Go To Dubai
Kung balak mong pumunta ng Dubai mag isip isp ka muna kung visit visa ang visa mo... marami na ditong naluko ng mga kapwa nating kababayang pinoy na kesyo maganda ang naghihintay na kapalaran nila dito sa bansang UAE. Marami sa atin na pinangakuan ng magandang trabaho at malaking sweldo pero ang kabaliktaran nun at hirap at pagod maghanap ng trabaho.. kung ang dala dala mong visa ay tourist lang at wala kang kamag anak na matutuluyan ay napaka hrap maki pagsapalaran.. OO marami ng umunlad at guminhawa ang buhay pero noon yun at konte palang ang kakumpetensya mo na maghanap ng trabaho, ngayon daan daan na ang kakumpetensya mo sa paghahanap ng trabaho idagdag mo pa dyan ang mga ibang lahi na pumunta din dito para miki pag sapalaran.. kung ikaw ay pinangakuan ng ng kaibigan mo at nagbigay ng malaking halaga mag isip ka muna.. marami akong nakikita sa araw araw na mga pinoy na naghahanap ng trabaho at minsan may lumalapit din sa akin na kung may alam akong opening sa ibang kompanya, dahil hirap na hirap din sila idagdag mo pa dyan kung malapit ng mapaso ang visit visa mo maghahanap ka ng pera uli para pang exit mo sa Kish o kaya sa Oman.. May mga balaita rin na maraming mga pinoy ang na estranded sa Kish at Oman pabalik ng UAE.. kung ako sayo maghanap ka nalang ng lehitimong Agency sa Pinas mas maganda pa...
GOODLUCK SA LAHAT
|